Oo naman. Isa ang mga Pilipino sa magagaling mag-Ingles sa Asia. Tayo nga ata ang pinakamagagaling 'di ba? Pero di rin maikakaila na hindi tayo perpekto. May Mga pagkakamali rin tayo na kung Pinoy lang din ang kausap natin ay magkakaintindihan tayo. Ang masama ay kung banyaga na ang kausap natin. Narito ang ilan sa mga madalas na mali natin sa paggamit ng Ingles:
Watch out
Watch out for our new products. Kung iisipin ay parang walang mali sa naunang pangungusap. Pero kung ating ita-translate ang ibig sabihin nito ay "Mag-ingat kayo sa aming mga bagong produkto." O 'di ba may mali.
Xerox
Pwede pong magpa-Xerox? Kailan pa naging pandiwa ang salitang Xerox kung brand naman ito. Dagdagan pa natin...
Pabili po ng Colgate, yung Close-up.
Bili ka nga ng Pampers, yung Huggies.
Di ba nakakalito?
Pahingi naman ng Band-Aid.
Hmm. Mas madali nga namang sabihin kesa sa adhesive bandage. 'Di bale. Akalain mo ba namang pati pala Australia, Brazil, Canada, India at ang Tate ay siya ring pangkaraniwang tawag sa ganung bandage.
Trivia: Gaya ng paggamit natin sa salitang Xerox, ito ay genericized trademark kung tawagin.
Salvage
Kung sabihin ng isang diyaryo na may na-salvage, alam nating ang nais nitong iparating ay may pinatay o na-assassinate. Ipagpalagay naman nating ang kausap natin ay isang Kano at sabihin natin sa kanya, "Someone was salvaged." Etong si Kano ang iisipin ay may na-save sa isang kapahamakan. Bakit kaya? Kung titingnan natin sa dictionary ang kahulugan ng salvage...
Salvage
v. save from ruin, destruction, or harm
Teka teka. Parang opposite 'to ng alam nating salvage di ba? Sa kasaysayan ng wikang Pilipino o ng mga Filipinized na words, ang salvage na alam natin ay nanggaling sa salitang "salbahe" na naderive sa salitang "salvaje" sa Espanyol. Ito ay nangangahulugan ng mapang-abuso o masama.
Next next week
'Di ba "week after next" dapat?
Excuse
Ay nagu-utos? Parang mas maganda pa rin 'ata kung kumpletuhin na lang natin para maging Excuse me. Nagiging mas maganda itong pakinggan at mai-intindihan kahit banyaga man ang makakarinig sa atin.
Main branch
Di kaya ang ibig sabihin ay main office? :)
Traffic
Scenario:
Boss: O ba't ka late?
Emplyado: Traffic kasi boss!
May mali ba? Oo naman. Pero dahil parehong Pinoy ang nag-uusap ay nagkakaintindihan sila. Pero mas tama pa ring traffic jam ang itawag sa halip na "traffic" lang. Kasi naman ang traffic ang nangangahulugan lamang ng flow ng mga sasakyan sa kalye.
Madami pa kung ililista natin.
Isa lang ang mga Filipinized words sa masasabi nating only-in-the-Philippines. Ipagmamalaki ba natin ito o ikahihiya. Di na kailangang sagutin. Nakakatuwa lang isipin na nabuo ang mga ito dahil sa pagiging creative ng mga Pilipino.