1. Sa awiting “Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka Dot Bikini”, alin ang binabanggit na yellow? Yung polka dots o yung bikini?
2. Ba’t may mga grocery stores na dalawa ang pintuan pero isa lang ang ipinapagamit?
3. Kung ang nawawalang tao ay nakita ang kanyang sarili sa advertisement na may price money, makukuha ba niya ang pabuya?
4. Tinutubuan din ba ng kabute ang kabute?
5. Bakit hindi tayo naghihilik kapag tayo ay gising?
6. Bakit ang Limewire may Pro version at may bayad ito kung mada-download din lang ito ng libre sa pamamagitan din ng Limewire?
7. Bakit ang 7-11 ay may pintuan samantalang 24 oras naman itong nakabukas araw-araw.
8. Bakit kung sinampal ng isang babae ang isang lalaki sa publiko laging nagmumukhang ang lalaki ang may nagawang mali?
9. May mga tao kaya na allergic sa tubig?
10. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo bago nadiskubre ang Mt. Everest?
Hango mula sa http://www.opendb.net/element/17422.php
Thursday, November 3, 2011
Mga Kadalasang Mali Ng Pilipino Sa Ingles
Oo naman. Isa ang mga Pilipino sa magagaling mag-Ingles sa Asia. Tayo nga ata ang pinakamagagaling 'di ba? Pero di rin maikakaila na hindi tayo perpekto. May Mga pagkakamali rin tayo na kung Pinoy lang din ang kausap natin ay magkakaintindihan tayo. Ang masama ay kung banyaga na ang kausap natin. Narito ang ilan sa mga madalas na mali natin sa paggamit ng Ingles:
Watch out
Watch out for our new products. Kung iisipin ay parang walang mali sa naunang pangungusap. Pero kung ating ita-translate ang ibig sabihin nito ay "Mag-ingat kayo sa aming mga bagong produkto." O 'di ba may mali.
Xerox
Pwede pong magpa-Xerox? Kailan pa naging pandiwa ang salitang Xerox kung brand naman ito. Dagdagan pa natin...
Pabili po ng Colgate, yung Close-up.
Bili ka nga ng Pampers, yung Huggies.
Di ba nakakalito?
Pahingi naman ng Band-Aid.
Hmm. Mas madali nga namang sabihin kesa sa adhesive bandage. 'Di bale. Akalain mo ba namang pati pala Australia, Brazil, Canada, India at ang Tate ay siya ring pangkaraniwang tawag sa ganung bandage.
Trivia: Gaya ng paggamit natin sa salitang Xerox, ito ay genericized trademark kung tawagin.
Salvage
Kung sabihin ng isang diyaryo na may na-salvage, alam nating ang nais nitong iparating ay may pinatay o na-assassinate. Ipagpalagay naman nating ang kausap natin ay isang Kano at sabihin natin sa kanya, "Someone was salvaged." Etong si Kano ang iisipin ay may na-save sa isang kapahamakan. Bakit kaya? Kung titingnan natin sa dictionary ang kahulugan ng salvage...
Salvage
v. save from ruin, destruction, or harm
Teka teka. Parang opposite 'to ng alam nating salvage di ba? Sa kasaysayan ng wikang Pilipino o ng mga Filipinized na words, ang salvage na alam natin ay nanggaling sa salitang "salbahe" na naderive sa salitang "salvaje" sa Espanyol. Ito ay nangangahulugan ng mapang-abuso o masama.
Next next week
'Di ba "week after next" dapat?
Excuse
Ay nagu-utos? Parang mas maganda pa rin 'ata kung kumpletuhin na lang natin para maging Excuse me. Nagiging mas maganda itong pakinggan at mai-intindihan kahit banyaga man ang makakarinig sa atin.
Main branch
Di kaya ang ibig sabihin ay main office? :)
Traffic
Scenario:
Boss: O ba't ka late?
Emplyado: Traffic kasi boss!
May mali ba? Oo naman. Pero dahil parehong Pinoy ang nag-uusap ay nagkakaintindihan sila. Pero mas tama pa ring traffic jam ang itawag sa halip na "traffic" lang. Kasi naman ang traffic ang nangangahulugan lamang ng flow ng mga sasakyan sa kalye.
Madami pa kung ililista natin.
Isa lang ang mga Filipinized words sa masasabi nating only-in-the-Philippines. Ipagmamalaki ba natin ito o ikahihiya. Di na kailangang sagutin. Nakakatuwa lang isipin na nabuo ang mga ito dahil sa pagiging creative ng mga Pilipino.

Bakit Kailangang Bilog ang Pantakip ng Manhole
Sa dinami-dami ng manhole na nakikita natin ay madalas pabilog ang takip nito. Bakit nga kaya? Dahil kaya tradisyon na ito o may malalim na dahilan kung bakit kadalasang pabilog ang mga ito.
Mga paliwanag kung bakit pabilog ang takip ng manhole:
1. Madaling ipalipat-lipat. Ang mga manhole cover ay kadalasang mabigat upang hindi basta-basta naaalis sa pagkakalagay nito. Kung ito ay pabilog, bagamat mabigat ay madali pa ring ipalipat-lipat dahil pwede itong ipagulong.
Star rating ng paliwanag: **
2. Madaling ilagay. Ang pabilog na pantakip ang madaling ilagay sa manhole. Di gaya ng ibang shapes, hindi na ito kinakailangang ipaikot para sumakto sa manhole.
Star rating ng paliwanag: **
3. Pabilog ang manhole. Mas madaling maghukay ng pabilog kaya naman ganito din ang shape ng manhole. At dahil pabilog ang tatakpan kinakailangang pabilog na din ang pantakip para dito.
Star rating ng paliwanag: ***
4. Di mahuhulog. Kahit anong paikot sa isang bilog sa kahit anong anggulo ay hindi ito nahuhulog sa manhole. May shape din naman na hindi mahuhulog sa manhole kagaya ng Reuleaux Triangle pero mas madali pa ring i-manufacture ang pabilog kaysa dito.
Star rating ng paliwanag: *****
At siyempre ang huling paliwanag ang pinakamainan kung bakit bilog ang takip ng manhole.
Lumalabas na Microsoft ang nagpauso kung bakit tinatanong kung bakit pabilog kadalasan ang manhole cover. Ito ay nang idinagdag nila ito sa mga katanungan nila sa interview sa mga nagnanais mag-apply sa kanila. Maaring basahin ang karagdagang kwento ng manhole sa Wikipedia.

Subscribe to:
Posts (Atom)